Thursday, January 10, 2013

Entry No. 6 (x_o)

Kakatapos lang ng first day ng pagsusulit kanina. Mahirap lahat pero sa 3 asignatura ako nadalian ito ay ang Chemistry , Filipino, at VALUES. Sino nga naman ang hindi madadalian sa VALUES ? Para ngang 20 minuto lang namin sinagutan ang pagsusulit. :)) .

Pag-uwi ko ay kumain na lang ako ng tanghalian ko na sopas. pagkatapos ay nanood ako ng isang palabas sa t.v.  Sunod ay dumiretso ako sa com shop na nabanggit ko sa entry no.1 ko, ung namigay sakin ng t-shirt noong magpapasko. Naglaro ako roon ng mahigit sa 3 oras.

Mag-aalas singko ng ako ay umuwi na nadatnan ko na lamang na naghahanda ang nanay ko ng kakainin namin sa hapunan. Habang naghihintay ay tinutulungan ko ang pinsan ko sa kanyang takdang aralin.
Naluto na ang aming ulam at kumain na kami habang nanonood ng t.v.

Hanggang ngayon kinakabahan parin ako sa pagsusulit bukas pero sa abot ng aking makakaya ay ipapasa ko ang mga ito. Tiwala lang sa kakayahan ang kailangan. Good Luck para sa akin!.

No comments:

Post a Comment