Tuesday, January 8, 2013

Entry No. 4

Lagot ako kulang-kulang itong journal ko.. :(( .

 Medyo boring ang araw ko ngayon katulad ng dati.. Excited na kong malaman kung anung result nang mahabang pagsusulit namin sa asignaturang ingles..at saka nakailang puntos din kaya ako sa ginawa kaninang pagsusulit ni G. Mixto?

Nakatulog na lamang ako pagkatapos kong kumain ng tanghalian sa bahay. Nakalimutan ko yung mga dapat kong gawin.. Pero naalala ko na alng din paggising ko. Kumuha ako ng lumang kwaderno na ginamit ko noong ako ay nasa ikalawang taon para maging kwaderno sa asginaturang Chemistry.

Malapit na rin ang Ikatlong markahang Pagsusulit, medyo kinakabahan ako baka kasi mahihirap ang mga tanong doon. Sana naman eh hindi. Ah Basta, Bahala na si Batman.- mga katagang binabanggit ng mga mag-aaral bago mag simula ang pagsusulit

2 comments:

  1. Good luck sa exam bukas! Basta pag-aralan lang lahat ng mga natalakay nating aralin. :)

    ReplyDelete