Friday, October 30, 2015

Animes

Narito ang ilan sa mga Anime na napanood ko na at syempre nagustuhan ko:

  1. Kore wa Zombie Desu ka? (Is This A Zombie?) - Well, nakakatawa at kung anu-ano pa! Panoorin niyo rin! Maganda yan panigurado kasi may season 2 na sya. http://eyeonanime.com/kore-wa-zombie-desu-ka/
  2. Kuroko no Basket - Isa pa to eh. Ang nagdala lang naman sakanya is yung effects saka fighting spirit nung characters. Recommended para sa basketbolista natin dyan. Di ko maitatangging maganda siya kasi May 3rd season na yan. http://eyeonanime.com/kuroko-no-basket
  3. Kiseijuu sei no Kakuritsu  (Parasyte the Maxim) - Warning: Kung mahina ang iyong sikmura ay  dahan-dahan lang sa panonood. Meron kasi itong hindi kaaya-aya sa paningin pero ayos lang naman. 24 episodes lang kaya simulan mo na yan XD. http://eyeonanime.com/kiseijuu-sei-no-kakuritsu/
  4. Durarara! Opening Song palang... Magugustuhan mo na. May part dyan na mapapatanong ka na lang kung bakit yung mga bida ang colored.. haha papasok yung katagang " Tamad siguro yung mga artist." sa isip mo haha. http://eyeonanime.com/durarara/
  5. Shigatsu wa Kimi no Uso (Your lie in April) -  Opening na naman ang nagdala. Promise sa tuwing maririnig ko yung opening nyan nagka-ka goosebumps ako haha. Melodrama. Maraming Feels haha kaya prepare yourself  for feelstrip pag pinanood mo ito. http://eyeonanime.com/shigatsu-wa-kimi-no-uso/
  6. Steins;Gate - Naniniwala ka ba sa time travel. Gusto mo rin bang bumalik ang oras para maitama ang iyong kamalian? Panoorin mo ito ng maranasan mo rin. Prepare to be Culture-Shocked lalo na sa mga terms na gagamitin. http://eyeonanime.com/steins-gate/
  7. Mirai Nikki (Future Diary) - Gusto mo ba ng accurate na horoscope? ako rin eh haha XD. well puro pagpatay kaya Not recommended para sa mga taong mahina ang sikmura XD. Overall maganda yan hindi ko naman kasi yan ilalagay dito kung di naman maganda. http://eyeonanime.com/mirai-nikki/
  8. Full Metal Alchemist Brotherhood -  Oo alam ko, marami ngang episode pero kung tya-tyagain mo may nilaga joke lang hahahaha :D. Malalaman mo dito yung mga bagay na di mo dapat gawin para sa pansariling hangarin. http://eyeonanime.com/full-metal-alchemist-brotherhood-anime/
  9. Code Geass - Ikaw ba, ninais angkinin ang mundo pero naisip mo 'saan ako kukuha ng kapangyarihan para gawin yan?' Maaring masagot yan kung papanoorin mo to. May Powers Involved. Robots. May Season 2 rin ito kaya walang halong duda maganda ito. http://eyeonanime.com/code-geass/
Gusto ko pa sanang idagdag yung iba kaso masyadong maraming episodes kaya wag na lang XD (Baka kasi tamarin ka eh hahaha.).

Hanggang sa Muli!

No comments:

Post a Comment