Ang Alibughang
Anak
Ang Isang Mayamang Ama’y
May Dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng batang anak na ang ganang kanya
sa kayamanan ng kanyang ama ay ibinigay na sa kanya. Nang makuha na nang bunso
ang kanyang mana ay tumungo sa malayong bayan at nilustay ang kabuhayang
ipinagkaloob ng ama.
Naubos na lahat ang
kanyang salapi. Namumulubi siya at nang wala nang makain ay inisip niyang
bumalik sa dating tahanan upang makain man lamang niya ang kinakain ng alila ng
kanyang ama. Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama, sinalubong ng yakap at
halik ang bumalik na anak. Inutusan ang alila na bigyan ang anak ng
pinakamagarang kasuotan, ipinasuot sa daliri ang isang mamahaling singsing at ipinagpatay
ng isang matabang baka.
Namangha ang matandang
kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan. Nang malaman niya ang sanhi ng
kasayahan ay nagalit nang gayon na lamang at sinumbatan ang ama. “Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang
naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang.
Ngayong dumating ang alibughang anak ninyo ay gugugol kayo nang malaki at
magdiriwang.”
Sumagot nang marahan
ang ama. “Anak ko, ikaw ang lagi kong kapiling. Ang
lahat ng akin ay iyo. Tayo’y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay
ay muling nabuhay, nakita nating muli ang nawala.”
No comments:
Post a Comment