Saturday, December 26, 2015

1080p

Ganyan ba kalinaw ang New years Resolution niyo? ako hindi eh HAHAHA! ganito kasi yan hindi na ako nag karoon nyan kasi malamang sa malamang di ko yun matutupad. Yung mga dapat na nabago na eh wala, ganun pa rin hanggang ngayon. Happy New Year na lang HAHA!

Tuesday, December 22, 2015

Yun pala yun?!

Nang dahil lang sa isang debut ng kaklase. nalaman ko ang lasa ng empi lights (emperador lights)
Ang weird nya pero ayos lang. kaso nung unang ikot pa lang tumatanggi pa ako pero pangalawa nung na nila (kasi round table ang gamit nila, nakahiwalay lang kami ng iba ko pang kaibigan pero napilit lang talaga) ayun natikman ko sya. mapakla hahaha. pero ayos lang (kumuha kaagad ng pangontra sa lasa nun.). para kang pinainom ng gamot. (kaya pala sabi ng karamihan, kung may sakit tumagay ka hahahaha! :D) yung kaibigan ko pa ngang katabi, napilit nilang magpangatlo shot eh hahaha! Pero be advised, hanggat maari isang baso (hindi bote) lang inumin kasi anumang sobra ay masama. To all drinkers here and there: Drink Moderately and Responsibly! Happy Holidays!

Forever? Anu yun? Nakakain ba yun?

Wala ata talagang forever eh. Kasi lahat nagbabago na para bang kailangan o di kaya ay talagang di maiiwasan.
Alam mo yung feeling na nasanay ka na sa isang bagay tapos isang araw magbabago na lang ng hindi mo inaasahan. Anong gagawin mo? Paano ka mag aadjust o magaadjust ka pa ba? Ganyan kasi halos lahat ng Games na nalaro especially DOTA 2. Binago nila lahat kaya eto nangangapa ulit na parang baguhan. Mula sa Mapa, Items, Skills. Hay nako buhay. kelangan pa ba talagang baguhin halos lahat para lang maaccept ka dito sa mundong ito?