Saturday, February 23, 2013

Entry No. 24

Binangungot ako kanina kaya napaaga ang gising ko pero nakatulog pa rin naman... 7:00 am ng umaga, bumangon na ako... nanonood ng t.v. at nag-utos na lang ang mama ko na bumili ako ng P 50 na pandesal... Mahal na pala ang pandesal ngayon P 2 na kada piraso buhay nga naman... Sunod nun agahan na syempre.. Then Nanood na lng T.V. ung tipong cartoons hehehehe.

Dahil sa T.V na yan di ko namalayan ang oras, oras na pala para magtanghalian.... Sinamahan ko ang kaptid ko na bumili ng ulam... Pagkatapos namin kumain umalis na naman ng bahay ang mama ko kapatid kong panganay at bunso. Iba ang araw na ito dahil pag-alis nila, di ako agad nagbukas ng computer namin. Ginawa ko muna yung Portfolio ko sa Geometry.. Pagkatapos kong gawin yun, lakwatsa muna diresto computer shop hehehe ... mahigit 2 oras lang ako dun.. kapos sa pera eh...


Thursday, February 21, 2013

Entry No. 23

Ngayong Araw na ito ako ginanahang mag-aral, dahil sa ang unang subject ay chemistry... Panghuli nga lang ang Math. maliban pa dun ay wala kaming ibang ginawa dahil bawat grupo ay nagsagawa ng experiments sa Science Lab. Bukas pa kasi ang grupo namin kaya mananatiling first subject ang chemistry, pero hanggang bukas lang... Kinakabahan ako sa papalapit na interview.. Sana madali lang yung itatanong para masagot ko kaagad. 


Monday, February 18, 2013

Entry No. 22

Palapit na ng palapit ang bakasyon. Ngayon pa nga lang eh matindi na ang init lalo na sa tanghali..
At dahil dito ay lalong lumalala ang pagkabore ko sa paaralan... Pero naibsan ito ng gumawa kami ng abstract painting sa T.L.E namin.

Pag-uwi ko ay kumain ako agad ng tanghalian. Matapos nun ay Natulog ako at nagising ng alas-tres. Paalis ang mga kapatid at magulang ko kaya naman bigla akong nakadama ng saya. Pagka-alis nila ay nagbukas ako ng computer at siyempre naglaro.

Friday, February 15, 2013

Entry No. 21

Muntik na kaming magtalo ni mama dahil sa bagong speakers ni dad. Pero dahil sa bright idea ay nasolusyunan na agad... Pagkatapos nun ay agad namin itong sinubukan... Di ko akalaing malakas ito... Oo nga pla halos walong speakers din un... kaya kahit nasa 30-40 lang ang volume eh pagkalakas-lakas na.

At dahil bored ako nun ay nagkaraoke na lang kami.. palitan lang kami ng kapatid ko... pataasan ng iskor....
kanina nakaiskor ako ng 100... Kayo ba naka 100 na ba kayo sa karaoke?

Wednesday, February 13, 2013

Entry No. 20

Nakakatuwa ang mga reaksyon nila nang sabihin ko sa kapatid ko na wala akong pasok. Ginising pa naman din niya ko... Grabe... Pagkatapos nun ay nakikain na lang ako sa kanila... At nakinig na lang ako ng music sa cellphone ko.... Mag-aalas-siyete ng umaga nga matapos ko ang lahat ng kanta sa cellphone ko..
Kaya naman nanood na lang ako ng T.V.

Ito ang araw ng mga nagmamahalan para sa mga single ito ang pinaka ayaw nilang araw.. Isa lang naman ang hiling ko sa kanila maging masaya sana sila sa kani-kanilang relasyon.. Bawat isa ay nagsasabi ng salitang Happy Valentines Day... Kasama na rin ako

Entry No. 19

Sa wakas long weekend na naman... Wala na akong ibang inisip kundi ito simula pa kaninag umaga paggising ko.. kaya naman wala ako sa konsentrasyon... Kanina ay Nabored ako sa bahay kaya nanood na lang ako ng Action Movie na napanood ko naman na ilang beses na.. Maganda kasi effects...

Mukha yata hindi ko araw ngayon. Lagi na lang akong talo sa tetris... pero ayus lang yun laro lang naman eh

Tuesday, February 12, 2013

Entry no. 18

Ngayon lang ulit ako nakapag update nitong Blog ko... matapos ba namang magkaroon ng sariling twitter..
Masaya naman ang araw ko ngayon dahil sa tawa ni ma'am. Kinabahan naman ako ng tawagin ako upang sumagot sa tanong sa chemistry pero maayos naman..

Kanina habang ako'y nakikinig ng musika sa aking cellphone ay naka-idlip ako nang sandali at nagising upang alisin ang musika at ipinagpatuloy ko ulit ang pagtulog ko... Nagising na lang ako mag iika-apat ng hapon. Wala na kong ibang ginawa kundi manood ng telebisyon.. At siyempre dahil sa maaga nagluto ang nanay ko nang pagkain ay maaga kami naghapunan..